Isang golf cup ang inorganisa ni John Prats, ang John Prats Golf Tournament.
Ito ang kauna-unahang golf cup na isasagawa ng Kapamilya actor, bilang selebrasyon ng kanyang 20th year sa showbiz at isang fund raising activity na rin para sa isang simbahan at home for the aged.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John noong Pebrero 15, sa Dayrit?s restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.
Nabanggit niya sa amin na si Zanjoe Marudo ang naghikayat sa kanya na maglaro ng golf.
?Ah, three years ago, I started [playing golf] three years ago.
?Zanjoe actually introduced me sa sports. I wasn?t interested noon kasi I was more on basketball, active sports.
?Ayaw ko i-try ang golf noon kasi parang boring, pang matanda talaga siya, e.
?But when I tried, na-adik talaga kami ni Jason [Gainza], same batch kami ni Jason and from then almost every day or once a week we play golf talaga.?
Nagsilbing magandang bonding din daw kasi ito para sa kanila, lalo na at maraming oras magkuwentuhan.
Paliwanag ni John, ?Kasi hindi siya katulad sa basketball na competitive ka talaga, talagang may kalaban ka.
?Ito kasi kalaban mo ?yong sarili mo, e, ?yong pasensya mo, ?pag mali ?yong tira mo wala ka naman ibang sisisihin kundi ?yong sarili mo, e, di ba.
?So you?re against yourself.
??Tas ang saya lang kasi more time to bond with your friends, ?yong tawanan, ?yong kulitan ninyo.?
THE BENEFICIARIES. Samantala, dalawa ang beneficiaries ni John para sa golf cup na ito.
Una na diyan ang Holy Trinity Parish sa Cainta, Rizal.
Source: http://www.pep.ph/articles/28417/John-Prats-organizes-his-first-golf-cup-tournament
JJ Abrams New Orleans Pelicans chris brown hillary clinton apple stock Pro Bowl 2013 ariana grande
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.